don't you think it's about time?
April 30, 2007
kapag nakakakita ako ng tao, lalo na ng bata, na nahihirapan. umiiyak talaga ako. ramdam ko kasi yung sakit kahit pa hinid ko sila kilala. tulad nalang ng wowowee nung sabado, yung batang ni minsan hindi pa nakakain ng isang buong manok. na nung tinanong kung paano nung kaarawan nya? sinabing "walang handa, kapos kasi kami", nanliit ako bigla.
pati noong sa american idol, may nakilala sila na isang 12 anos na bata, na nakatira sa isa sa pinakamahirap na lugar sa africa. isang kwarto ang pinagsasaluhan nila ng kanyang nakababatang kapatid, at namumuhay sila ng walang magulang. sa edad na 12, isa na syang tatay, nanay at kapatid. bakit nangyayari yun. naiyak talaga ako. ang bigat sa loob. kahit na sa ibang bansa yon, tao paren yun, at bata pa. at kung iisipin mo, ganun den naman ang nangyayari dito, marami reng bata ang naghihirap..nagtatrabaho para makapag aral.
nakakainis lang isipin, parang nananadya. araw araw nakakakita ako ng tao na peteks mag-aral. mayayaman na walang ginawa kundi magpa-cute o ipagyabang yung pera nila. (hindi ko naman sinasabing lahat, pero alam kong alam nyo na meron talagang ganito) tapos, kung sino yung mas walang pera, sila yung mas pursigido na makapagtapos. nakakainis diba?
tapos sa sistema naten ngayon? mas napapaboran pa yung mayayaman na yon. bakit? hindi ba't kung 92% ng bansa naten ay mahirap. hindi ba dapat na sila ang mas tuunan ng pansin. na sila dapat yung tinutulungan naten para umangat tayong lahat?
yang public school na yan, dapat libre yan. pero dahil sa pangungurakot, hindi nangyayari yun. imbis na makatulong, mas binibigyan pa naten ng rason para mawalan ng pag-asa yung mga taong talagang nangangailangan dun.
kinwento sakin ng isang magulang na nagpapaaral ng kanyang anak sa publikong paaralan, may dumating raw na kahon kahon na mga gamit tulad ng bag, papel, at lapis para sa mga bata, donasyon, para sa mga bata, pero anong ginawa nila? binenta nila! pinagkakitaan ng matatakaw na tao. kung sino man ho kayo, sana mabasa nyo to. mahiya naman ho kayo. alam ko hong mahirap ang buhay pero anong klaseng tao naman ho kayo. pati bata inuutakan nyo. pera pera nalang ba talaga ang labanan dito? hindi lang ho yung mga corrupt na opisyal ang dapat niyong sisihin kung bakit ganito ang nangyayari sa ating bansa. bawat isa sa atin may pananagutan. sa atin paren dapat magmula ang pagbabago.
nais ko ring pasalamatan ang GMA 7. totoo, wala paren tatalo sa news and current affairs nyo. yung isang tanong kagabi, hinintay ko talaga. kasi panahon na para mabigyan ng parehas na oportunidad ang mga tumatakbo sa senado, na hindi lang yung mga may pera ang makikilala. kung tutuusin karamihan sa kanila wala naman katuturan ang pinaggagagawa sa TV. nakakainip lang tuloy.
tama ang sinabi ng isang senetoriable e, dahil sa estado naten ngayon, yung may pera lang ang maririnig.
pero sa 13 senetoriable na umupo kagabi, bilang sa isang kamay ang mga pangalan na nakombinse akong karapatdapat sila sa boto ko. merong may kinikilingan, may dinadaan sa dada, merong parang tumatakbo para sa maling dahilan, at meron ding sadyang di ko lang maintindihan.
alam kong nakakakaba, na maharap ka ng ganun at magisa, kung hindi ka magaling magsalita, o ikaw yung tulad kong kabado, maaaring mautal utal ka nga. para sa akin, ayos lang naman yun eh. pero para yung simpleng tanong hindi mo masagot ng maayos. yung andami daming sinabi pero wala naman koneksyoon sa tanong. parang, ako ba ginagago mo? kahit na ang isang tao hindi matalas magsalita, kung may laman ang sinasabi, malalaman mo yun. hindi yung kung ano ano sasabihin mo, limitado ang oras pero isisiksik mo yung mga wala naman kwenta o walang kakonekoneksyon sa tanong, kumbaga, mga pampa-pogi points lang, eh nakakainis lang eh. sinayang nyo yung opportunidad. sana ginamit nyo ng maayos.
sa 13, sobrang sumang-ayon ako sa ilang sagot nila chiz escudero at alan cayetano. bago pa man sila umupo doon nasa listahan ko na sila. pero dahil sa kagabi, mas napatunayan kong tama ang desisyon ko.
oo mayabang si chiz. may ere kung magsalita. pero in furnes, may maipagyayabang naman. at tama sya eh, nung tinanong sya na parang kung kani kanino nalang nakampi. palagay ko nabanggit ko na to dito sa blog ko noon. it shouldn't be personal. ang pinaglalaban dapat yung tama, wala ka dapat na isang tao lang na kakampihan. kung tunay na gusto mong ipaglaban ang hustisya at katotohanan, na gusto mong matanggal ang corruption, walang side ka dapat na kunin kundi yung sa naghahangad ng kaunlaran. wala dapat kinikilala pag dating jan. na hindi dapat nababase sa loyalty, kasi napaka-one sided. hindi dapat para sa isang tao, kundi para sa lahat ng tao. yun ang prinsipyo. hindi balimbing ang tawag dun. kasi hindi naman talaga dapat yung isang tao ang ipaglalaban mo..kapag ganun kasi, pano kapag yung kinampihan mo na ang gumawa ng katiwalian? pikit mata mo nalang ba syang kakampihan?
si sir alan cayetano naman, kahit mukha syang drawing (hindi drawing na negatibo to ha, pero diba literal na mukha syang cartoon? hehe! sorry, napansin ko lang.) tama sya, ang dapat pagtuunan ng pansin, at paglaanan ng kaban ng bayan, yung tao. edukasyon at kalusugan. yan ang 2 sa pinakaimportante, simulat sapul palang, yun na ang gusto ko, mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa naten, na mabigyan ang lahat ng patas na oportunidad sa pagaaral. na gawin libre ang edukasyon sa mga nangangailangan, hindi libre librehan lang. kasi jan na lahat magsisimula. kung ang tao ang inonourish mo (sorry ano ba talgalog nun?) hindi ba't mas malaki ang chance na makakaahon tayong lahat? ano ang gagawin ko sa magagandang daan kung sa likod ng malalaking bakod may daang linya ng barungbarong, mga pamilyang gustuhin man ay hindi magawang maiahon ang sarili sa hirap? magaakit nga kayo ng mga investor mula sa ibang bansa, pero ipupusta ko, sa mga nakapag-aral lang mapupunta ang trabahong yan. eh kung lahat ng tao may pinag-aralan? magiging patas ngayon ang labanan. hindi nalang mananatili sa 7% ng population naten ang yaman. may pagkakataon na ang lahat para maiangat ang sarili. oo andun na kailangan matyaga at masipag ka. pero iba paren kung may hawak kang diploma. hay.. nadadala nanaman ako. kasi naman E!
sa susunod na linggo, kahit na gabi na sya, hihintayin ko ulit ang isang tanong. sana kayo ren. sana sa darating na eleksyon..matuto na tayo, na hindi nalang sa pagpapacute, o sa pangangako ibabase ang pagboto. minsan di lang sapat na gusto mo ng pagbabago, sa pagtakbo sa politika, importante ren na alam mo kung papaano makukuha yung pagbabagong gusto mo mangyari.
at totoo naman na hindi mo kailangan maging senador para makatulong sa ikauunlad ng bansa naten. sabi nga ni alan cayetano, ayon kay JFK "think not what the government can do for you, think what YOU can do for your country."
ganun lang naman kasimple yun. gusto mo ng pagbabago? simulan mo sa sarili mo. hindi yung angal ka ng angal eh ikaw ren naman yung gumagawa ng kung ano ano. ipokrito.
& our love goes round and round;
4/30/2007 10:50:00 AM
|
random dashboard
so you wont have a hard time buying gifts for me this christmas, here's my long list: (i know, ang aga)
1.
Macbook
2.
DSLR Camera
3. Diving Equip (in this order: mask, snorkel, fins, wetsuit, regulator, BCD, tank)
4. Dive trip (tubataha or kota k or apo reef or palau...keri na hehe)
5. Shopping spree at Ross/Home depot/Target
6. shoes, any kind with heels not higher than 2" (im 7 1/2)
7. my first ever havaianas (brazzziiiilllll)
8. a beanbag or a cool comfy chair
9. flat screen TV, hehe.
10.
a year supply of booze (if beer, RH lang pls)
11. Art materials (any medium, from crayons and coloring books to canvass and acrylics)
12. Drumset or Kahon. (wlang pilosopo)
13.
Oven. i want to bake.
14. punching bag and gloves
15. a leather basketball.
Of course, Money is always the best. that way you know i will get what i really want.
And look at it this way, if you give me any of my top 5, i can consider that as an early bday gift as well. hehe :)
Pa-Fedex nalang ah, PM me for my address hehehehe! thanks dear santa clauses!
behind the wheel
still the same ciara, just with more work and
longer messier hair. ah and yes, a certified diver now, not that i have the time and money to dive anyway. maybe by
november/december/january soon.
traffic jam
linkages
[
pblog][
more pictures]
[
ciox]
[
maan]
[
chA]
[
michellE]
[
russ]
[
marns]
[
rJ]
[
tiN]
[
elainE]
[
pontifF]
[
mye]
[
jumie]
[
ate sunit]
[
ana banana]
[
chi ulit]
[
angge]
[
pajammy]
[
jessica zafra]
[
post secret]
[
howie severino]
[
ala-
ism]
[
jim paredes]
[
mitch dulce]
[
intrigero]
[
scotland]
[
papu]
[
myiE]
[
lara]
[
kayE]
[
maky]
[
raece]
[
caffeine_rush]
[
the_paradox]
[
weird_spag]
[
noside]
[
k_Ann]
[
pesteng_ahem]
[
sabitskipoint]
[
claudine]
[
carlo]
[
shai]
[
jassy]
[
rc]
[
mai]
[
bubay]
[
koolotitay]
on reverse
12/03
01/04
02/04
03/04
04/04
05/04
06/04
07/04
08/04
09/04
10/04
11/04
12/04
01/05
02/05
03/05
04/05
05/05
06/05
07/05
08/05
09/05
10/05
11/05
12/05
01/06
02/06
03/06
04/06
05/06
06/06
07/06
08/06
09/06
10/06
11/06
12/06
01/07
02/07
03/07
04/07
05/07
06/07
07/07
08/07
09/07
10/07
11/07
12/07
01/08
02/08
03/08
04/08
05/08
06/08
07/08
08/08
09/08
10/08
11/08
12/08
01/09
02/09
10/09
12/09
08/10
GPS system
this is my way to stalk all you readers. mwahahahahahahaha! coolness!
credits
1 &
2